Demolisyon

Demolisyon

“Our homes in Silverio were built from our sweat. Now, we shed blood to fight for it,” Paulo Quiza of Bagong Alyansang Makabayan-National Capital Region.

 

As I read this news story, clips from “Sa Ngalan ng Tubo” (a documentary film about the Hacienda Luisita Massacre) kicked in my mind. Hindi na ito kaiba sa mga kaganapan noon sa Luisita. Bumuo ng human barricade ang mga residente ng Silverio, binatuhan sila ng teargas, lumaban sila gamit ang mga bato at nangbaril ang kapulisan. Nakakalungkot lang isipin na kabaliktaran ang inilalabas sa mga balita sa mainstream media. Tila ang mga residente ang may kasalanan ng lahat at mga bayani ang mga pulis. Hindi ko naman sila nilalahat ngunit naging testamento ito sa kung gaano nila kayang linlangin at pisikal na saktan ang mga kababayan nating mahihirap.

 

Ang mga kapitalista na naman!

Nariyan na naman ang pangalan ni Henry Sy at kakabit dito ang SMDC. Bakit nga ba kailangang ilunsad ang demolisyong ito? Dahil patatayuan ito ng mga condominiums ng kapitalistang si Henry Sy at tatawagin pa itong “Silver Homes”. Ide-develop ang lupa sa kung saan ang nakaaangat lamang sa pinansyal ang makikinabang. Bakit ba hindi nalang lumipat ang mga iskwater na yan sa mga relocation sites? Mula sa ilang mga dokyumentaryong napanood ko, iisa ang primaryang rason nila — walang trabaho. Walang trabaho, walang eskwelahan, palengke, ospital. Wala naman ang mga kinakailangan nila roon tanging tahanan lang kung kaya naman ay pinagtitiyagaan nila ang lugar kung saan sila kasalukuyang naninirahan.

 

Hindi natin dapat sinisisi ang mga mahihirap bagkus ay tulungan natin silang makaahon. Ang pera ng bayan ay pera ng lahat ng tao dito hindi ng iilang corrupt na lider ng bansa. Sagutin din ang mga problema sa unemployment rate. Kung talagang lumalago ang kasalukuyang ekonomiya ng bansa, bakit hindi ito nararamdaman ng mga karaniwang tao tulad ko? Serve the people. SERVE THE PEOPLE. Ang masa ang dapat tinutulungan, sila ang dapat na pinauunlad hindi ang sarili.