Ang Kwento Ng Chippy at Sting

Bilang parte ng blogs kong about moving on, ito ang istorya kung paano naging makabuluhan ang dalawang simpleng bagay sa buhay ko.

 

Go, Karen. Bagsak lang ng bagsak ng memories. Makakalimutan mo din siya. Kaunti nalang. Push pa. FIGHTING!

 

Organic Chemistry. Science 2. Sino ba ang makakalimot sa masalimuot na subject na yan nong 4th year high school? Iniyakan ko yan, dinasalan. Naalala ko noong halos bagsak ang mga quizzes at alam kong lalagapak din ang exam ko kaya sa project ako nagho-hold on. Project na isang malinis at may kumpletong kontekstong kwaderno. Oo, yung notebook na walang erasure at walang kulang na lecture. Dahil ang bawat bura at kulang ay katumbas ng babye sa 10pts. Eh over 90 lang yun, at doon lang makababawi ang karamihan.

 

Kaya naman ganoon nalang ang hinagpis ko nang may kinulang pala akong lecture! “Other Side-chains”, hanggang ngayon naaalala ko pa yung topic. Umiyak talaga ako noon kasi alam kong babagsak ako. Tapos ikaw naman ‘tong hero na balak pang makalusot “Miss H****, pwede po bang palit nalang kami ng grade?”. Maraming nagulat noon, lalo na ako. Dakila. Pero syempre, hindi naman pwede yun. Unfair. At isa pa, parang kalokohan lang ‘yon sa mata ng guro at nakatatanda (pakiramdam ko). Last subject yun at nawala ka nang madismiss tayo. Maga pa rin ang mata ko at di kita mahanap. Hindi rin naman ako lumabas ng classroom kasi nanghihina pa ako (OA, I know).

 

Tapos nagsisimula na akong mairita nang makita kitang pumasok ng classroom…

 

Basang-basa ng pawis. Hinihingal. Pag tingin ko sa mga kamay mo, may hawak kang Chippy na malaki na nakasupot na puti at Sting naman na nakabote pa sa kabila. Galing ka palang 7-Eleven, na hindi masyadong malapit sa school para takbuhin lang ng ganun. Tapos naalala ko ang nangyari nung umaga ng araw na ‘yon.

 

*FLASHBACK. SAME DAY. MORNING

Non-Verbatim

Ako: Tara baba tayo (sa canteen). Gusto ko talaga ng Smart C at Chippy. Ewan ko ba pero gustung-gusto ko talaga.

Ikaw: Sige halika bili tayo.

Recess yan. Bumaba tayo pero nang tingnan natin, wala nang chippy. At wala ring Smart C. Wala lahat ng gusto ko. Alam mong disappointed ako pero wala kang magawa noon. Kaya bumili nalang tayo ng ibang pagkain.

 

‘Yan ang dahilan kung bakit binilhan mo ako ng malaking Chippy na red at Sting na red din (dahil walang Smart C, pero gusto ko rin yan). Nang makita mong nakatingin ako sa’yo na parang in state of shock pa dahil dapat magagalit ako nung nawala ka…

 

Ngumiti ka. Yung ngiti mong parang bata na parang puro ang tuwa. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ngiti mong yan na nagagawa mo unnintentionally pag kinikilig ka. Tapos lumapit ka sa’kin. Inabot mo yung pagkain sabay sabi, “Sorry natagalan, pumunta pa kasi akong 7-Eleven. Tsaka wala pa rin kasing Smart C kaya Sting nabili ko.” Para akong nawalan ng sasabihin. Natulala na ewan. Hindi ko alam kung anong bibigkasin kaya nasabi ko nalang na “Ikaw talaga! Bakit pumunta ka pa doon!” Hindi ko rin maipaliwanag yung naramdaman ko niyan noon. Kilig. Saya. Guilt. Mukha-akong-shunga. Grabe hindi ko talaga alam kung anong gagawin noon. Ngingiti ba ako, magte-thank you, iha-hug ka o papagalitan. Pero one thing’s for sure, isa yun sa mga maitatago ko sa baul ng memories ko. At salamat diyan. Kung hindi ko man nasabi sa’yo to dahil naging speechless ako, salamat talaga. Sa’yo, thank you.

 

CHIPPY & STING

Advertisements

One thought on “Ang Kwento Ng Chippy at Sting

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s